By Sweet Lucman

MARAWI CITY, July 17 (PIA ICCC) – Napag-alaman sa isinagawang profiling ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na ang pangunahing dahilan kung bakit nahikayat ang mga tao na sumali sa grupo ng mga Maute-IS na siyang pasimuno ng kaguluhang naganap sa lungsod na ito dalawang taong nakalipas ay ang kakulangan ng pera at hanapbuhay.

Dahil dito,  binuo at pinagtutuunan ng pansin ang programang “Preventing and Countering Violent Extremism (PCVE) sa pangunguna ng sandatahang lakas.

Bahagi ng programang ito ay ang rebel returnee program na nagbibigay ng livelihood packages sa mga rebeldeng nagsipagbalik loob sa pamahalaan ayon sa nais nilang kabuhayan.

Mayroong sari-sari store package, bigasan starter kit, cellphone repairs and accessories kit, farm inputs at vulcanizing equipment ang pinamigay ng Department of Labor and Employment (DOLE)-10 bilang tulong sa mga nagsipagbalik loob na pinangungunahan ni DOLE-10 Regional Director Joffrey M. Suyao.

Walumpu katao ang unang nakatanggap ng ayuda at may higit kumulang isa pang walongpu ka tao ang susunod na makakatanggap muli.

Si alyas “Alex” ng Butig Lanao del Sur, humiling ng “bigasan” starter kit ay nagpapasalamat sa tropa ng gobyerno sa pangunguna ni Brigadier General Romeo Brawner Jr. at nagpaabot ng mensahe sa Pangulo ng Pilipinas: “Kami’y nagpapasalamat sa tropa ng gobyerno lalo na kay General Brawner at Presidente Duterte. Patuloy po kaming naghihintay sa iba pang pangako ni Presidente tulad ng pagbisita sa Malacañan, pagpunta sa bansang Malaysia, at pangakong maka pag Haj sa Mecca.”

Ayon naman kay alyas “Cardo,” 24, taos puso ang kanyang pasasalamat kay Presidente Duterte sa pagtulong umano sa kanilang mga returnees.

Aniya, ramdam nila ang magandang bagong buhay kaysa sa maging kalaban ng gobyerno at nanawagan din si Cardo sa mga hindi pa nagsipagbalik loob sa gobyeno na bumalik na.

“Nagpapasalamat ako kay Sir Brawner at kay Presitente Duterte sa pagtulong sa amin, naramdaman naming yung bagong buhay na maganda kaysa sa maki giyera tayo sa Gobyerno, tinatawagan ko ang mga kasamahan naming na hindi pa bumababa na sila ay bumaba na para makamit natin ang kapayapaan para sa kapakanan ng Mamamayang Pilipino,”pahayag ni Cardo.

Nagbigay naman ng payo at mensahe si 103rd Infantry Brigade Commander, Brigadier General Romeo Brawner Jr. sa mga returnees: “Ang advice natin sa mga returnees ay dapat i-treasure nila ang binigay na pagkakataong ito ng Gobyerno sa kanila. This is a new start for them. In fact, maswerte sila kasi ang ating gobyerno ay nakatutok talaga sa kanila. Yung panayam natin at utos mula kay Pangulong Duterte ay ‘we should have that spirit of reconciliation’, so that yung mga returnees natin na dating kalaban ng Gobyerno ay pagbigyan natin, para magkaroon sila ng panibagong buhay.” (SWEET LUCMAN/PIA ICCC) (Photo by Gian Carlo Raman)